Gemma, 56
Interview by Lila Victoria Reyes
Anong natatandaan niyo noong Martial Law?
“[….] My memory of Martial Law was huli na. Siguro ‘yung [nalaman ko ‘yung mga atrocities] college na ako, during the death of Ninoy Aquino.
[…] Ang natatandaan ko noong sa Martial Law was noong pumila ako for bigas. Kasi ako ‘yung pinaka-galing sa errands at [when I was in] grade two, pumila ako sa bigas. ‘Yung house namin was near the simbahan and ung simabahan. Meroong cooperative na conduit ng mga Nutribun [at bigas]. […]
Wala akong kamalayan sa mga atrocities kasi nakikinabang ako. Pero ung pag-pila sa bigas was something kasi ang haba-haba ng linya, sa tirik ng araw. […] Na-witness ko ‘yung isang ale, pagdating niya doon sa dulo, malapit na siya [at kasi] two kilos lang puwede ibigay sa inyo, nahimitay siya kasi naubuos na ‘yung [binibigay na] rice. Bukas na ulit. So parang ‘yung pila is pointless kasi naubos na ‘yung rice. […] ‘yung rice na binibigay samin, hinahaluan pa namin.
[…] Grade three or grade four nag-field trip kami at dumaan kami ng North Bay Boulevard and that’s [my] first time na makakkita ako ng poverty from the bus. Medyo hindi ako maka-move on doon, kasi ‘di ko ma-imagine na tumira ung mga tao sa kariton na parang aso. Nakita ko siya from the bus, and I’m just passing through.
Medyo nag-isip ako noon. Kasi ang tingin ko sa amin noon mahirap eh, kasi big family […] we used to own a rice granary. Kaya ‘yung konsepto na hindi kami makakuha ng rice, samantala producer kami ng rice, so, parang iyon ‘yung pakonti-konti na nagmumulat sa akin sa Martial Law.
[…] And then, ‘yung nagulat ako was, ‘yung ano na, sa Negros. […] Nakikita mo talaga na ‘yung time na ‘yun lumalabas ‘yung mga nawawala na mga tao, ‘yung mga desaparecidos, […] ‘yung poverty na nakita ko noon [sa Negros] medyo hindi ako maka-move on kasi nga hindi naman ako nasa Manila, hindi ako na-e-expose noon kasi my parents are in public service. Kaya noong lumalabas nga, hindi ko ma-imagine.
[…] Noong 1980s na, ‘yung ni-lift ‘yung Martial Law na, parang ‘yung feeling ko wala naman nangyari, walang masyadong changes. Parang napagod lang siya […].”