Anong natatandaan niyo noong Martial Law?
“Noong bata ako, panahon ng Martial Law.. sa EARIST ako noon [nagaaral].
Ni-re-require kami, kapag dumadating si Marcos, pipila kaming nakahilera papuntang Malacañang. Binibigyan kami ng bandera, magkakaway lang pag dumating si Marcos. Minsan nga nagalit sa akin [‘yung nanay ko] kasi ginabi ako ng uwi eh, [pero] kaya ako ginabi ng uwi kasi nga inaantay namin dumating si Marcos.
Nabigyan din kami dati ng Nutribun. Nakatikim din kami, grabe talagang siksik. Pero ‘di naman ‘yun palagi, minsan lang… Minsan lang nagbibigay ng Nutribun.
Pagka-declare ng Martial Law, bumili agad kami ng bigas kasi nagkakaubusan.
Tsaka may oras na may curfew, lahat sila pasok na sa bahay pag gabi na tumutunog na ‘yung parang [sirena] na parang lockdown… tutunog ‘yun pag curfew na.”
– Penny, 62