Bughaw, Pula, Dilaw, at Puti
Minasdang mabuti ni Mang Kaloy ang kabuuan ng kaniyang bagong dyip. Ang kaniyang mga mata ay gumala mula sa mga makikintab na gulong tungo sa bakal na barandilya nito. Huminga ang matandang tsuper sa kamanghaan. Dalawampu’t limang taon siyang namuhay sa pagba-boundary, ngayon ay nakangising hinihimas ang taklob ng makina…
